Wednesday, March 23, 2011

Pagkatapos ng Mt. Batulao, next destination, Mt. Maculot..upang saksihan ang supermoon..
Apat lang kami..parang Extra Challenge lang. Night Trek pa! Nagsimula kami umakyat alas sais na ng gabi. One of us felt na parang may naka-angkas sa likod nya dahil bumibigat ang back-pack nya. Yung isa naman, nakakita ng white lady at kung anu-ano pang hindi pangkaraniwan. Kumusta naman yun di ba? At dahil gabi't madilim, pinili na lang namin wag magkwentuhan ng kababalaghan. Tuloy lang sa paglakad.. kapit nalang sa mga ugat ng puno para marating ang itaas. Pagkatapos ng isa't kalahating oras ng paglalakad, naabot na din namin sa wakas ang camp site. Pitch ng tent, kwentuhan, picture-picture, tanaw-buwan, inuman at tulugan.
Kinaumagahan, nagpunta kami sa rock wall ledge o "Rockies" kung tawagin, na parang kumpol ng batuhan na nakaharap sa Taal Lake. Mangangatog ang mga tuhod mo kung pagmamasdan dahil wala nang buhayan kapag sinuwerte kang mahulog sa parteng ito nang bundok. Pero nakaka-enganyong umakyat sa mga bato. Once-in-a-lifetime ika nga ang view sa tuktok. Sobrang enjoy kami sa "Rockies"..picture-picture ulit.
Sumunod na ginawa namin ay yung paakyat sa peak..walang katapusang mga puno,halaman at putik..napakadulas ng daan..kailangang mag-ingat lalo na kung ang gilid ng dadaanan ay bangin at walang ibang kakapitan kundi ang mga halaman na puros tinik.
Narating din namin sa wakas ang peak pagkatapos ng tatlong oras..pahinga lang ng konti, larga na ulit pababa, patungong grotto. eto na nga yung extra challenge. Puro bato. May mga lugar na lubid lang ang kakapitan at kailangan kayanin nang powers mo ang bato dahil kung hindi, baka kung saan ka na pulutin. Gaya ng dalawa naming kasama na napadausdos pababa, mabuti na lang at walang nangyaring masama. At sa wakas, narating din namin ang grotto pagkatapos ng dalawang oras..sarap magpahinga!
Picture-picture na naman..rest lang sandali at nagpatuloy na kami sa paglakad.Masarap na ang pagbaba. Wala nang putik at matatakbo na ang trail.Sa baba na kami naghugas, kumain at naglinis para sa biyahe namin pabalik nang Maynila.
Salamat sa matatapang kong mga kasama..
Thanks to TNK and more power!